Events

BABY MAKATIZEN

Good news, Mommy #Makatizens!

Tinatawagan po ang mga Mommy Makatizens na may bagong silang na sanggol na nagsilang mula January to March 2018 at naiparehistro agad sa loob ng tatlumpung (30) araw mula pagkapanganak, na dumalo sa kick-off event ng proyektong BABY MAKATIZEN na gaganapin sa darating na May 10, 2018. 

Upang makasali, tumawag po sa City Civil Registry Office (CCRO) sa Baby Makatizen Hotlines na ‎‎870-1345 o ‎0915-2430304. Hanapin si Mr. Lino Alano upang i-verify kung ikaw ay qualified na sumali sa paglulunsad ng BABY MAKATIZEN at mapabilang sa FIRST 100 SLOTS ng Mommy Makatizens para sa naturang aktibidad.

Ang mga qualified na Mommy Makatizens ay makakatanggap ng confirmation via text message. 

Sa mga nasabing number lamang po maaring tumawag mula 8am hanggang 4pm, Monday to Friday.

Ang mga qualified na dadalo sa kick-off event ay mapapabilang sa unang 100 Mommy Makatizens na makakatanggap ng libreng BABY MAKATIZEN starter bag na naglalaman ng mga gamit para kay Baby.

Sali na!



2 Comments

View Events discussion