Events

DUGONG ALAY, SAGIP BUHAY

Inaanyayahan ng Makati Action Center- Community and Patients Relations Unit, kasama ang Makati Health Department at Ospital ng Makati, ang lahat ng Makatizens sa gaganapin na Mass Blood Donation sa December 12-13, 2018 sa Makati Action Center Office sa 8th Flr, Makati City Hall Bldg. 2.

Ang “Dugong Alay, Sagip Buhay” ay inisyatiba ni Mayora Abby Binay para makatulong na makaipon ng sapat na supply sa ating blood bank para sa mga residente ng Makati na mangangailangan ng dugo.

Ang lahat ng interesado na mag-donate ng dugo ay mangyaring magdala lamang ng ID at Parent's Consent Letter. Ito ay bukas sa lahat ng mga residente ng Makati na 16 taong gulang pataas.


Create Events Discussion